^

Metro

10 bala inubos sa parak

- Ludy Bermudo - The Philippine Star

MANILA, Philippines -  Sampung tama ng bala ng baril ang kumitil sa buhay ng isang tauhan ng Manila Police District nang palagan ng sinitang riding-in-tandem sa Ermita, Maynila, kahapon ng umaga.

Dead-on-arrival sa Manila Doctors Hospital ang biktimang si PO1 Ryan Bagadiong, 36, nakatalaga sa Pedro Gil-Police Community Precinct at residente ng Tondo, Maynila.

Ayon kay PO3 Charles John Duran, ng MPD-Homi­cide Section, nagtamo ng sampung tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng ka­tawan si Bagadiong, isa rito ay sa pisngi, na mula sa kalibre .45 baril.

Hindi na narekober ang service firearm ng biktima sa pinangyarihan na sinasabing kinuha rin ng mga suspect.

Bukod dito, tinangay din ng mga salarin ang motorsiklo ng biktima.

Sa inisyal na imbesti­gas­yon, isa sa mga suspect ay tinamaan din ng pulis na nagawa pang makapagpaputok ng baril sa kabila ng kanyang mga tinamong tama.

Tinutunton ito ngayon sa follow-up operation ng mga tauhang MPD-Homicide Section.

“Armado rin ’yung mga suspect kasi 9mm yung ser­vice firearm ng pulis natin, pero di na narekober, yung ginamit sa kanyang kalibre .45. Sabi nung mga nakakita, nakaputok pa si Bagadiong kahit marami nang tama sa katawan kaya posibleng makita sa ospital ’yung isang suspect,” ani PO3 Duran.

Naganap ang insidente dakong alas-5:30 ng umaga­ sa harap ng Bank of Philippine Islands (BPI) sa UN Avenue­, malapit sa panulukan ng M.H. Del Pilar st., Ermita, Maynila.

Nabatid na inutusan ng kanilang hepe si Bagadiong at PO2 Rolando Cabalza na puntahan ang erya ng US Embassy upang paalisin ang mga palaboy na natutulog sa lugar.

Magkahiwalay ng daan ang dalawang pulis at na­una umano si Bagadiong na naka­rating sa M.H. Del Pilar sa UN Avenue nang mamataan ang riding-in-tandem na kahina­-hinala ang kilos at walang suot na helmet.

Sinita umano ang mga ito ng pulis kaya pinababa sa motorsiklo at pinadapa at kinapkapan saka humingi ng assistance sa kasa­mahan. Gayunman, isa sa suspect na nakasuot ng itim na t-shirt ang tumayo at inagawan siya ng baril hanggang sa tuluyan itong putukan at pagtu­lungang barilin.

May tama na ng mga bala ay sinikap pang gumapang ng biktima patungo sa motorsiklo niya subalit muli siyang nilapitan at pinaulanan ng putok ng dalawa.

Dali-daling sumakay sa dalang motorsiklo ang da­lawa, ngunit hindi na nila ito mapaandar kaya iniwan ito at inagaw na lamang ang motorsiklo ng pulis na ginamit sa pagtakas.

Huli na nang duma­ting si Cabalza na siyang nagsugod sa bikima sa pa­gamutan.

BAGADIONG

BANK OF PHILIPPINE ISLANDS

CHARLES JOHN DURAN

DEL PILAR

ERMITA

HOMICIDE SECTION

MANILA DOCTORS HOSPITAL

MAYNILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with