^

Metro

Seguridad sa Bar exam, kasado na

- Ludy Bermudo - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Kasado na ang segu­ridad na ipatutupad sa isa­sagawang 2012 Bar Exa­mination sa University of Santo Tomas (UST) na magsisimula bukas (Ok­tubre 7).

Ayon kay Manila Police District (MPD) director, Chief Supt. Alex Gutierrez, nakaugnayan niya ang pamunuan ng Supreme Court (SC) hinggil sa set-up ng seguridad at napagkasunduan na ang NBI ang magbabantay sa loob ng UST habang sa labas at palibot ng unibersidad ay ang mga tauhan ng MPD.

Magtatalaga rin ng da­lawang tauhan ng MPD sa bawat gate ng UST.

Ito’y bilang paghahanda at maiwasan ang kara­ha­san tulad ng naganap noong 2010 Bar Examination sa labas ng De La Salle University (DLSU) sa Taft Ave., Maynila.

Kaugnay nito, nakiusap naman si Gutierrez sa mga fraternity ng mga law school na iwasan na ang pagsasagawa ng bar operations upang hind maging mitsa sa kantiyawan na maaaring mauwi sa kaguluhan.

Pinayuhan din ni Gu­tierrez ang mga law school fraternities na gayahin na lamang ang ginawa nila noong nakalipas na taon na nagtipon sa ibang lugar­ para doon na lamang salubungin ng suporta ang pagdating ng mga kasa­mahan sa grupo na kumuha ng exams.

Idaraos sa loob ng apat na araw ng Linggo ngayong buwan ang nasabing pagsusulit.

vuukle comment

ALEX GUTIERREZ

BAR EXA

BAR EXAMINATION

CHIEF SUPT

DE LA SALLE UNIVERSITY

MANILA POLICE DISTRICT

SHY

SUPREME COURT

TAFT AVE

UNIVERSITY OF SANTO TOMAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with