^

Metro

Kelot dedo sa boga ng parak

- Danilo Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Isang 34-anyos na lalaki ang nasawi makaraang mabaril sa ulo ng isang pulis sa gitna ng kanilang pagtatalo sa loob ng isang computer shop sa Pasay City, kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot pang buhay sa San Juan de Dios Hospital sanhi ng tama ng bala sa ulo ang biktimang si Mark Anthony Francisco,   ng P. Santos St., Malibay, ng naturang lungsod.

Arestado naman ang suspek na nakilalang si PO2 Manolito Alcala, 40, nakatalaga sa National Capital Regional Police Office­ (NCRPO).

Sa ulat ng Pasay City Police, unang nagkaroon ng pagtatalo ang biktima at suspek na matagal na umanong may alitan dakong alas-10 ng gabi sa loob ng isang computer shop sa P. Santos Street.

Ayon kay Alcala, una umano siyang kinompronta ng biktima na may bitbit na bote ng alak at inungkat ang kanilang away.

Nagkainitan at nagka­suntukan ang dalawa sa loob ng computer shop hang­gang sa maawat.

Naghain naman ng reklamo sa Police Community Precinct (PCP) 7 ng Pasay police si PO2 Alcala habang umuwi na ang biktima.

Nang samahan ng kanyang mga kapwa pulis si PO2 Alcala sa tirahan ng pamilya Francisco upang imbitahan ito sa istasyon, kaagad umanong sumugod ang suspek at binaril sa ulo ang biktima.

Nakadetine ngayon sa Pasay City Police detention cell si Alcala na po­sibleng maharap sa kasong murder­.

vuukle comment

ALCALA

DIOS HOSPITAL

MANOLITO ALCALA

MARK ANTHONY FRANCISCO

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

POLICE COMMUNITY PRECINCT

SAN JUAN

SANTOS ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with