^

Metro

Presyo ng LPG tumaas

- Danilo Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nagpatupad ng dagdag presyo ang mga kompanya ng liquefied petroleum gas (LPG) sa bansa makaraang gumalaw ang halaga nito sa inter­nas­yunal na merkado. Dakong alas-12:01 Martes ng madaling-araw, nagtaas ng P1.70 kada kilo o P18.70 kada 11-kilong tangke ang LiquiGaz. Sinundan ito ng Petron Corp. alas-6:00 ng umaga na may P1.75 kada kilo o P19.25 kada 11-kilong dagdag-presyo sa Gasul at FiestaGas.

Nagtaas din ito ng P1.10 kada litro sa kanilang Auto LPG. Sumunod na rin ang iba pang kompanya ng petrolyo kabilang ang Total Phils. na nagtaas ng P2 sa kada kilo o P22 sa kada tangke ng ka­nilang LPG. Ganito rin ang itinaas ng Solane ng Pilipinas Shell kahapon ng umaga. Ayon sa mga kompanya, ito ay kasunod ng paggalaw sa international contract prices­ ngayong Oktubre.

AYON

DAKONG

GANITO

GASUL

KADA

NAGPATUPAD

NAGTAAS

PETRON CORP

PILIPINAS SHELL

TOTAL PHILS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with