^

Metro

Minaltratong katulong, humarap na sa korte

- Angie dela Cruz - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Humarap na kahapon sa witness stand sa Quezon City court ang katulong na nabulag dahil sa pagmamaltrato ng kanyang mga dating amo. Sa sala ni QC RTC Branch 77 Judge Germano Francisco Legaspi, muling sinariwa ni Bonita Baran ang maraming beses na pananakit at verbal abuse sa kamay ng mag-asawang Reynold at Anna Liza Marzan mula Pebrero 2007 hanggang Mayo 2012.

Ang mag-asawang Marzan ay nahaharap sa seven counts ng serious physical injuries, two counts ng attempted murder at serious illegal detention dahil sa pagmamaltrato sa dating kasambahay.

Ilan lamang anya sa ginawang pagma­maltrato sa kanya ni Annaliza ay noong Hunyo 2010 sa loob ng bahay ng mag- asawa nang walang anu-ano ay tinaga siya ng gunting sa katawan at noong Hunyo 2011 sinapak siya ni Annaliza habang nasa hagdanan. Ang bagay na ito anya ay alam ni Reynold na noon ay hindi man lamang inawat ang asawa sa pananakit sa kanya.

Kaugnay nito, sinabi ni Atty. Jesus Fernandez, abogado ng mga Marzan na magpa-file sila ng mosyon sa korte upang payagan si Annaliza na makapag pa-ospital dahil sa kanyang sakit sa bato at pagtaas ng blood pressure.

ANNA LIZA MARZAN

ANNALIZA

BONITA BARAN

HUMARAP

HUNYO

JESUS FERNANDEZ

JUDGE GERMANO FRANCISCO LEGASPI

MARZAN

QUEZON CITY

REYNOLD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with