^

Metro

Manager na Taiwanese, pinatay sa bodega

- Angie dela Cruz, - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nilaslas ang leeg at pinagpapalo sa ulo hanggang sa ma­patay ang isang manager na Taiwanese national na natagpuan sa isang bodega sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Nakilala ang biktima na si Andy Wang, 28, stay-in manager­ ng Weldynamic Technology Trading sa Macabagdal St., Biglang Awa ng nabanggit na lungsod.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-6:00 ng umaga sa nabanggit na lugar nang makitang nakahandusay ang biktima sa warehouse ng nasabing kompanya ng kaanak na si Anna Wei. Lumalabas na laslas ang leeg ng biktima at pinagpapalo pa ng matigas na bagay ang ulo. Nawawala rin ang cellphone ng biktima.

Blangko pa ang pulisya sa motibo sa krimen at kung sino ang posibleng may gawa nito. Habang patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ukol dito.

vuukle comment

ANDY WANG

ANNA WEI

BIGLANG AWA

BLANGKO

CALOOCAN CITY

HABANG

LUMALABAS

MACABAGDAL ST.

NAKILALA

WELDYNAMIC TECHNOLOGY TRADING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with