^

Metro

Helper dedo sa vendor

- Doris Franche-Borja - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng isang vendor ang isang 62-anyos na helper sa palengke ng Paco, Maynila kamakalawa ng gabi.

Sa report ni MPD homicide police Elmer Di­magiba, tsismis ang dahilan ng pagpatay ni Ge­neroso Bernardino, 33, ng Sitio Wella, Merville Parañaque sa biktimang si Jose Menes, ng 1942 F. Muñoz St., Paco.

Nabatid na alas-7:00 ng gabi naganap ang insidente sa Pasilio 8 ng Paco Market kung saan  nakita ng suspect ang biktima na nagwawalis sa na­sabing pasilio saka pinagsasaksak gamit ang isang butcher knife na nagresulta sa kanyang aga­rang kamatayan.

Tinangka ng suspect na tumakas subalit mabilis na napalibutan ng mga barangay tanod kaya naaresto.

Nag-ugat ang insidente nang itsismis sa suspect ng isang kakilala na inaakusahan umano siya ng biktima na nagnanakaw ng mga tindang manok sa palengke.

Dahil dito inunahan ng suspect ang umano’y plano ng biktima.

vuukle comment

BERNARDINO

DAHIL

ELMER DI

JOSE MENES

MAYNILA

MERVILLE PARA

NABATID

PACO MARKET

PASILIO

SITIO WELLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with