^

Metro

P15-M halaga ng alahas, pera natangay ng Gapos Gang

- Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Tinatayang mahigit sa P15 milyong halaga ng pera at mamaha­ling mga alahas ang natangay sa isang ne­gos­yante at lima pang kasamahan nito, matapos pasukin ng anim na miyembro ng pinaghihinalaang “Gapos gang”  ang kanilang tahanan sa lungsod Quezon. 

Sa ulat ng Criminal In­vestigation and Detection Group, nakilala ang mga biktima na sina Marilou Knight, 53, negosyante; anak na sina Adam, 23 at Jeremy, 18, Racquel Avisilla, 25, secretary; Maria Jamero, 48, housemaid at Donhill Aquino, 29, driver.

Ayon kay PO2 Julius Cesar Balbuena, may-hawak ng kaso, nangyari ang insidente sa loob mismo ng bahay ng pamilya Knight na matatagpuan sa no. 53-B, 3rd St., New Manila, Bgy. Mariana, ganap na alas-10:15 ng umaga.

Lumilitaw na abala sa paggawa ng report si Avisilla, secretary ni Marilou sa ikalawang palapag ng naturang bahay nang biglang pumasok ang dalawa sa anim na suspect, na kapwa armado ng baril at agad na tinutukan ang una.

Kasunod nito, inutusan ng mga suspect si Avisilla na dalhin sila sa kuwarto ng kanyang amo, kung saan pagsapit dito ay saka sila sabay-sabay na iginapos ng alambre at nilagyan ng packaging tape sa mukha.

Nang maigapos ng dalawang suspect ang mga biktima ay pu­ma­sok ang iba pa nilang kasamahan saka tulu­yang nilimas ang mga mamahaling kagamitan ng mga biktima at pera na may kabuuang P15 milyon.

Matapos makuha ang pakay ay agad na sumibat ang mga suspect na ayon sa isang testigo ay nakita niyang sakay ng isang kulay pulang van na walang plaka patungo sa hindi mabatid na direksyon.

Samantala, nang ma­kaalis ang mga sus­pect ay saka naman si­nimulan ng mga biktima na kalasin ang kanilang gapos, saka dumulog sa himpilan ng barangay para hu­mingi ng tulong, bago tuluyang magtungo sa himpilan ng CIDG sa Camp Ka­ringal para sa kaukulang disposis­yon.

AVISILLA

CAMP KA

CRIMINAL IN

DETECTION GROUP

DONHILL AQUINO

JULIUS CESAR BALBUENA

MARIA JAMERO

MARILOU KNIGHT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with