^

Metro

2 bangkay ng lalaki, itinapon sa QC

- Angie dela Cruz - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Dalawang bangkay ng hindi pa nakikilalang lalaki na tadtad ng saksak sa kanilang mga katawan at may marka pa na binigti ang natagpuan kahapon sa lungsod Quezon.

Ayon kay SPO1 Randy Bantillo na ina­alam pa nila ang pagkakakilanlan sa mga biktima.

Gayunman, malaki ang paniwala ng pu­lisya na sa ibang lugar­ pinatay ang mga biktima at itinapon na lamang sa napagtagpuang lugar.

May marka ng pagkabigti sa leeg ng mga biktima at mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Isa sa nasawi ay may tattoo ng “Sputnik” sa likod, may taas na 4’9 talampakan, katamtaman ang katawan at nakasuot ng short at puting t-shirt.

Ang isa naman ay may salitang “Dragon” at “Agila” sa kanyang likod at nakasuot ng puting t-shirt at brown short pants.

Binanggit pa ni Bantillo na ang isa sa nasawi ay may cluth bag na naglalaman ng mga larawan at identification cards ng isang lalaki.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ukol dito.

vuukle comment

AGILA

AYON

BANTILLO

BINANGGIT

DALAWANG

GAYUNMAN

ISA

PATULOY

RANDY BANTILLO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with