Kelot utas sa 3 armado

 MANILA, Philippines - Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 18-anyos na binata ng tatlong kalalakihan kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City. Dead-on-arrival sa Manila Central University Hospital sanhi ng mga tama ng bala sa katawan ang biktimang si Peter John Coquilla, ng Brgy. St., Bagong Barrio ng nabanggit na lungsod. Pinaghahanap naman ng Caloocan City Police ang mga suspek na nakilala sa kanilang mga alyas na Tiyanak; Cholo at Erwin. Batay sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-12:30 ng madaling-araw sa Milagrosa St., Bagong Barrio ng lungsod na ito. Nabatid na naglalakad ang biktima kasama si Jaymar Jugan, 16, sa nasabing lugar nang lapitan ng mga suspek at paputukan ni Tiyanak. Sa takot ni Jugan ay nagtatakbo papalayo at nang wala na ang mga suspek ay bumalik at dinala sa naturang ospital ang biktima. 

Show comments