^

Metro

6 na buwan kulong sa bumili ng nakaw na stereo

- Angie dela Cruz - The Philippine Star

 MANILA, Philippines - Hinatulan ng Quezon City Regional Trial Court na mabilanggo ng anim na buwan ang isang lalaki na bumili ng nakaw na car stereo ng isang dating Supreme Court  justice may 10 taon na ang nakararaan.

Sa ipinalabas na desisyon ni QC RTC Branch 221 As­sisting Judge Genie Gapas-Agbada, napatunayan na guilty si Reinante Bornales sa paglabag sa kasong anti-fencing law.

Ang kaso ay nag-ugat nang makipagsabwatan si Bornales sa kanyang mga kaibigan para bilhin ang nakaw na Alphine CD cassette player at pitong  assorted CD tapes ni dating  SC  Justice Vicente Mendoza noong Abril  2002.

Sinasabing si Bornales ay nakapagpiyansa noong Agosto­ 8, 2005 makaraang pabulaanan ang kaso sa kanya.

Pinawalang-sala naman sa kasong ito ang kaibigan ni Bornales na si Vivencio Articulo dahil sa kawalan ng ebidensiya na nagdidiin dito sa kaso.

Una rito, kinasuhan ng  pag­nanakaw sa car stereo ang isang Arnel de Guzman samantalang ang kasama nitong si Nida Bilang ay na­dismis ang kaso dahil nagsampa ng affidavit of desistance si Judge Mendoza laban dito. 

BORNALES

JUDGE GENIE GAPAS-AGBADA

JUDGE MENDOZA

JUSTICE VICENTE MENDOZA

NIDA BILANG

QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT

REINANTE BORNALES

SUPREME COURT

VIVENCIO ARTICULO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with