^

Metro

Pinagtaksilan ng gf, binata nagbigti

- Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

 MANILA, Philippines - Hindi na nakayanan ang labis na pighating nararam­daman matapos na mahuling may ibang lalaki ang kanyang kasintahan kung kaya ipinasya ng isang lalaki na tapusin ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbibigti sa sarili sa loob mismo ng tinutuluyang bahay sa Quezon City.

“Niloko niya ako mama kaya ko nagawa ito. Sorry kuya, ate, apo at mga pamangkin,” ang ilan lamang sa mga ka­tagang nakasaad sa suicide note na iniwan ni Perfecto Mengo­rio, 29, matapos na magbigti sa loob ng kanyang bahay sa Upper Gulod, Brgy. Sauyo, Novaliches sa lungsod.

Si Mengorio ay nadiskubre ng kanyang inang si Aling Virginia habang nakabitin sa kisame ng kanyang kuwarto ganap na alas-3:15 ng hapon.

Bago ito, sinasabing makailang ulit na kinatok ni Aling Virginia ang kuwarto ng anak subalit hindi ito sumasagot, hanggang sa magpasya siyang tawagin ang apong si John Vincent Carlogan para akyatin ang bintana nito.

Nang makapasok si Carlogan ay tumambad sa kanya ang katawan ng biktima habang nakabitin sa kisame.

Nakasaad pa sa nakitang suicide note na nagawa niyang magpakamatay makaraang mahuling may ibang lalaki ang kanyang kasintahan.

“Hindi kita mapapatawad, dadalawin kita habambuhay Ravina­. Nag-apply ako ng trabaho para sa’yo, ano ginawa mo? Pumunta ako sa inyo tapos madadatnan ko na may kasama kang iba,” sabi pa sa suicide note ng biktima. 

vuukle comment

ALING VIRGINIA

BRGY

CARLOGAN

JOHN VINCENT CARLOGAN

KANYANG

NAKASAAD

PERFECTO MENGO

QUEZON CITY

SI MENGORIO

UPPER GULOD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with