^

Metro

Parak, 1 pa huli sa aktong nagsa-shabu

- Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

 MANILA, Philippines - Timbog ang isang kagawad ng pulisya at isang kasamahan nito matapos na maaktuhang tumitira ng shabu sa loob ng isang sasakyan sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Kinilala ang mga suspect na sina PO2 Mark Erickson Cañete, 35, naka­talaga sa PNP Region 4B at kasamahan nitong si Archibald Arguelles, 34, ng Tower Condominium Aurora Blvd., Cubao.

Ang mga suspect ay naaresto habang tumitira ng shabu sa loob ng Honda Civic na nakaparada sa may Hillcrest compound sa Brgy. Immaculate Concepcion sa lungsod, ganap na alas-6:10 ng gabi.

Sinasabing naka­uniporme pa si Ca­ñete, nang masakote ng mga ope­ratiba.

Naaresto ang mga suspect ng tropa ng District Special Operation Unit sa pangunguna ni SPO2 Nilbert Porlucas habang ang mga ito ay nagsasagawa ng anti-illigal gambling ope­ration sa nasabing lugar, bunga ng ulat na rampant ang jueteng dito.

Habang nagpapatrulya, natiyempuhan ng tropa ang isang nakaparadang Honda­ Civic at nang kanilang tingnan ay naaktuhan nila ang mga suspect habang tumi­tira ng shabu, dahilan para sila arestuhin.

Base sa impormasyon, si Cañete ay nautusan ng kan­yang mother unit sa Camp Crame at pagka­tapos ay nagpunta ito sa na­sabing lugar kung saan inaya umano ito ng isang kaibigan sa isang squatters’ area para bumili ng droga.

Nang makabili ay saka na nila ito tinira hanggang sa sila ay matiyempuhan ng mga operatiba.

Narekober sa mga suspek ang dalawang plastic sachet ng shabu at mga drug paraphernalia.

ARCHIBALD ARGUELLES

CAMP CRAME

DISTRICT SPECIAL OPERATION UNIT

HONDA CIVIC

IMMACULATE CONCEPCION

MARK ERICKSON CA

NILBERT PORLUCAS

SHY

TOWER CONDOMINIUM AURORA BLVD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with