^

Metro

Kelot na nag-post ng nakaw na cellphone sa website, timbog

- Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Himas-rehas ngayon ang isang lalaki makaraang arestuhin ng mga pulis sa isina­gawang entrapment operation habang ibinibenta ang isang nakaw na cellphone na ipinaskil niya sa isang website ng buy-and-sell sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Nakilala ang suspect na si Rafael Lopez, 28, ng Judge Jimenez St., Brgy. Kamuning sa lungsod. Siya ay inaresto makaraang ireklamo ng biktimang si Jose Don Babon, 23, Pook Pagasa, Brgy., Batasan Hills sa lungsod.

Nabuko ni Babon ang ope­rasyon ni Lopez matapos na makita ng una sa isang website na sulit.com.ph at sa buy-and-sell na babasahin na ibinibenta ng huli ang kanyang cellphone.

Ayon kay Babon, nawala ang kanyang Nokia C3-00 noong September 19, at ilang araw ang nakalipas nang buksan niya ang website ng naturang buy-and-sell site ay nakita niyang ipinagbibili ito.

Dito na nagpasya si Babon na dumulog sa pulisya kung saan ikinasa ang isang entrapment operation sa pama­magitan ng pakikipag­transakyon ng awtoridad sa nagbebentang si Lopez.

Sa isang fastfood sa Ara­neta Center sa Cubao isinagawa ang entrapment ganap na alas-5:30 ng hapon kung saan nang iabot ng suspect ang cellphone sa operatiba ay saka ito inaresto.

Positibong kinilala ni Babon ang kanyang nawawalang cellphone dahil sa nag-match ang serial number nito sa kanyang resibo. May palatandaan din anya itong inilagay sa labas ng cellphone kung agad niyang nakilala ito nang makita sa website.

Nakapiit ang suspect sa PS7 sa kasong paglabag sa anti-fencing law.

AYON

BABON

BATASAN HILLS

BRGY

CUBAO

JOSE DON BABON

JUDGE JIMENEZ ST.

LOPEZ

POOK PAGASA

RAFAEL LOPEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with