^

Metro

8 kinasuhan sa marahas na demolisyon

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Patung-patong na kaso ang nakatakdang isampa ng Makati City Police sa walong residente ng Guatemala Compound sa Brgy. San Isidro dahil sa pagpapasimuno umano sa naganap na karahasan upang pigilan ang demolisyon ng pamahalaang lungsod ng Makati.

Sinabi ni bagong Makati Police chief, Sr. Supt. Manuel Lukban na kabilang sa mga isasampa nilang kaso ang direct assault, malicious mischief at physical injuries.

Kabilang sa mga nadakip ng pulisya sina Dennis Leona, Romulo Leona, Rodito Yaranon, Jestoni Pangamoan, Ricardo Tarayo, Jeric Abroga, Gildo Gonzales at Michael de Lima. Pawang nakunan umano ng video ang naturang mga residente na ebidensya sa kanilang ginawang pambabato sa demolition team at mga pulis.

Pinaghahanap pa naman ngayon ng pulisya ang itinuturong lider ng grupo na si Lino Ojos, ang presidente ng Guatemala Neighborhood Association at sinasabing maraming pinau­upahang kuwarto sa naturang compound.

Ayon sa pulisya, kilala ang Guatemala Compound sa pagi­ging notoryus na takbuhan umano ng mga holdaper at snatcher na nambibiktima sa Makati. Kilalang kuta rin umano ito ng operasyon ng iligal na droga habang puro mga propesyunal na iskuwater ang namumuno rito.

Samantala, pasok ang Commission on Human Rights (CHR) para busisiin kung may paglabag sa karapatang pantao kaugnay ng naganap na marahas na demolisyon sa Guatemala compound. Sinabi ni CHR Chair Etta Rosales, isinasapinal na ng binuong team sa ahensiya ang isinagawang imbestigasyon kaugnay ng insidente. (Danilo Garcia at Angie dela Cruz)

CHAIR ETTA ROSALES

DANILO GARCIA

DENNIS LEONA

GILDO GONZALES

GUATEMALA COMPOUND

GUATEMALA NEIGHBORHOOD ASSOCIATION

HUMAN RIGHTS

JERIC ABROGA

JESTONI PANGAMOAN

LINO OJOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with