^

Metro

DSWD volunteer hinoldap na, pinatay pa

- Danilo Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Walang awang pi­nas­lang ng dalawang kilabot na holdaper ang isang social worker ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) matapos na holdapin, kahapon ng madaling araw sa Navotas City.

Hindi na umabot ng buhay sa Tondo Medical Center ang biktimang si Roavilla Dipon, 53, da­ting residente ng Phase 1-B, North Bay Boulevard South (NBBS), sa naturang lungsod.

Isa naman sa dala­wang suspect ang agad na naaresto at nakilala sa alyas na Aga habang nakatakas ang kasamahan nito na si Badiong Ocampo.

Sa ulat ng Navotas City Police, naganap ang krimen dakong alas-12:30 ng madaling araw sa may Alumahan St., NBBS.  Mag-isang naglalakad ang biktima nang biglang harangin ng dalawang suspect at tutukan ng patalim.

Hindi umano agad ibi­nigay ng biktima ang dala nitong bag sanhi upang pagsasaksakin ito ng mga holdaper.  Hinablot ng mga salarin ang bag ng biktima bago mabilis na tumakas.

Nadaanan naman ng isang tricycle driver ang duguang biktima na nagkusang isugod ito sa pagamutan.  

Nasakote naman ng mga rumespondeng barangay tanod ang suspect na si Aga sa may Bangus St. sakay ng isang pedicab.

Nakuha sa suspect ang cellular phone ng biktima at patalim na hinihinalang ginamit sa pamamaslang.

vuukle comment

ALUMAHAN ST.

BADIONG OCAMPO

BANGUS ST.

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

HINABLOT

NAVOTAS CITY

NAVOTAS CITY POLICE

NORTH BAY BOULEVARD SOUTH

ROAVILLA DIPON

TONDO MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with