Negosyante nilikida
MANILA, Philippines - Napaslang ang 28-anyos na negosyante matapos ratratin ng mga di-kilalang lalaki may ilang metro ang layo sa kanyang bahay sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.
Napuruhan sa dibdib ang biktimang si Rodel Serrano Reyes Jr., may asawa, ng #601 Dandan St., Tondo. Sa ulat ni SPO1 Richard Escarian ng Manila Police District-Homicide Section, ipinarada ng biktima ang kanyang Toyota Fortuner (ZKU-891) sa garahe ng kanilang bahay bago pinuntahan ang kaibigan sa panulukan ng Pacheco at Lacson Street sa Tondo.
Habang kausap ng biktima ang kanyang kaibigan ay lumapit at pinagbabaril ito ng mga di-kilalang kalalakihan. Wala namang nais na lumutang na mga nakasaksi sa krimen kaya blangko ang pulisya sa motibo ng gunmen.
- Latest
- Trending