^

Metro

2 pang parak, huli ng video sa 'kotong'

- Danilo Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Huli sa camera ang dalawang tauhan ng Parañaque City Police na tumatanggap ng sobre buhat sa mga iligal vendors na nagkalat sa bisi­nidad ng simbahan ng Baclaran, kamakailan.

Kinumpirma ni Parañaque Police chief, Sr. Supt. Billy Beltran ang insidente sanhi upang sibakin niya sa kanilang puwesto sa Police Community Precinct 1 sina PO2 Adrian Valencia at Po2 Elan Sagario habang nagsasagawa ng imbestigasyon sa kanilang kaso.

Ayon kay Beltran, isang con­cerned citizen ang nagpadala sa kanila ng “video footage” na kitang-kita ang dalawang pulis na tumatanggap ng sobre buhat sa mga iligal vendors sa paligid ng Our Lady of Perpetual Help sa Baclaran.

Nabatid na matagal na umanong inirereklamo ng mga deboto at kaparian ang hindi masawatang mga iligal vendors at terminal sa paligid ng Simbahan na dahilan na upang hindi maaprubahan ng Vatican City ang aplikasyon nila upang maging Inter­national Shrine.

ADRIAN VALENCIA

AYON

BACLARAN

BILLY BELTRAN

CITY POLICE

ELAN SAGARIO

OUR LADY OF PERPETUAL HELP

POLICE COMMUNITY PRECINCT

SR. SUPT

VATICAN CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with