9 na MPD cops sangkot sa 'kotong', AWOL na
MANILA, Philippines - Tiniyak ni MPD director, Chief Supt. Alex Gutierrez kahapon na isinailalim na sa AWOl o absence without official leave (AWOL) status ang mga tauhan ng MPD-Station 4 na inakusahang dumukot at nangikil ng P1-milyon sa isang Filipino-Canadian citizen noong isang linggo.
Ito’y dahil sa kabiguang lumutang sa duty ng mga ito na pinaniniwalaang umiiwas sa isinasagawang imbestigasyon laban sa kanila. Sila ay nahaharap din sa kasong administratibo, maliban sa kasong kidnapping at extortion sa reklamo ng biktimang si Belinda Placido na dumulog kay Manila Mayor Alfredo S. Lim nang dakpin umano siya ng may 11 pulis kaugnay sa akusasyong mastermind siya sa pananaksak sa isang tomboy na anak ni SPO3 Sonny Nosidal.
Ayon naman sa alkalde, ang pagtatago ng mga suspect ay indikasyong guilty sila sa akusasyon kaya iniutos ang manhunt laban sa mga pulis.
- Latest
- Trending