^

Metro

Engineer timbog sa rape

- Ludy Bermudo - The Philippine Star

 MANILA, Philippines - Arestado  matapos ang walong taon ang isang civil  engineer  na may kasong  two counts of rape at two counts of attempted rape sa isang menor-de-edad na pamangkin ng kanyang misis, noong 2003.

Ayon kay P/Chief Inspector Daniel Buyao, hepe ng District Police Intelligence Operation Unit (DPIOU) ng Manila Police District (MPD), sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Manila Regional Trial Court Branch 18, Judge Myra V. Garcia-Hernandez, nadakip ang akusadong si Joseph Aloven Reyes Abejuela, 44, ng Taft Avenue, Maynila sa loob ng office branch nito sa Star Mall, sa Shaw Blvd., Mandaluyong City nitong Sabado.

“Masyadong matagal nang wanted ito, nag-oopisina lang pala pero 2003 pa nakasuhan. ’Yung victim niya dating minor, ngayon kolehiyala na,” ani C/Insp. Buyao.

Nabatid na sa dalawang attempted rape ay pinapayagan pa ang akusado na maglagak ng piyansang tig-P120,000 subalit sa dalawang consummated rape ay ‘no bail recommended’ na nangangahulugang hindi siya maaaring makalaya kahit dinidinig pa ang kaso sa hukuman.

Ipinagtataka rin ng opisyal kung bakit hindi ito naaresto  sa matagal na panahon gayung batay sa hawak nilang record, ang National Bureau of Investigation (NBI) ay kabilang sa nag-imbestiga, sumuri  at nagbigay ng rekomendasyon sa korte na positibong ginahasa ang biktimang itinago sa pangalang “Len-len”. 

CHIEF INSPECTOR DANIEL BUYAO

DISTRICT POLICE INTELLIGENCE OPERATION UNIT

JOSEPH ALOVEN REYES ABEJUELA

JUDGE MYRA V

MANDALUYONG CITY

MANILA POLICE DISTRICT

MANILA REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

SHAW BLVD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with