P11+1 fare guide sa LRT/ MRT, ilalarga sa 2013
MANILA, Philippines - Lumikha na ng bagong fare guide ang Department of Transportation and Communications (DOTC) na “P11+1” para sa Light Rail Transit Authority Line 1 at 2 at Metro Rail Transit (MRT). Sinabi ni LRTA spokesman, Atty. Hernando Cabrera, tuloy na ang taas-pasahe ng dalawang train system upang makabawi umano sa binawas na “subsidy” ng pamahalaan.
Sa ilalim ng naturang fare guide, P11 ang minimum na pasahe ng isang pasahero sa LRT at MRT at madadagdagan ng P1 kada susunod na kilometro kahalintulad ng ipinatutupad sa mga bus.
Mangangahulugan ito na ang pasaherong nagbabayad ng P20 mula Roosevelt Station sa Quezon City hanggang Baclaran sa Pasay City ay magbabayad na ng P30.
Sa kabila nito, sinabi ni Cabrera na ilalathala muna nila ang bagong “fare matrix” posible sa Disyembre bago ito ipatupad.
- Latest
- Trending