^

Metro

Sinibak na PDEA official, 'kumanta'

- Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

MANILA,Philippines - Sumisigaw ng hustisya ang sinibak na opisyal ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na si Carlos Gadapan dahil sa kawalan umano ng basehan ang naturang kautusan.

Sa panayam kay Gadapan, inihayag nito na hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa naging desisyon ng Malakanyang dahil wala siyang nakikitang rason para gawin ito sa kanya maliban sa isang bagay, ang pagsisiwalat umano niya hingil sa problema sa pagsusugal ng misis ni PDEA director Undersecretary General Jose Gutierrez.

Sabi ni Gadapan, simula anya na gawin niya ang naturang bagay ay nagkaroon ng gap sa pagitan nila ni Gutierrez at nag-iba na rin umano ang trato nito sa kanya.

Nilinaw ni Gadapan na ang impormasyon kaugnay sa pagsusugal ng asawa ni Gutierrez ay base na rin sa mga impormasyong ibinigay sa kanya at mga dokumentong hawak niya tulad ng mga tsekeng ibinayad umano nito sa casino.

“Actually may mga regional directors din na inuta­ngan ng kanyang misis, mga 200 libo, at ako hinihiraman din niya ng 300 libo (piso) pero sabi ko wala akong ganyang kalaking halaga,” sabi ni Gadapan.

Giit ni Gadapan, dahil sa problema umano sa asawa ni Gutierrez naapektuhan ang buong ahensya dahil maging ang trabaho na dapat gawin nila ay pinuputol na nito.

“Kaya lang naman ako narito ay para protektahan ang ahensya at hindi ang anuman, malaki na kasi ang nagiging problema at naapektuhan na rin maging ang lahat dito,” sabi pa ni Gadapan.

Si Gadapan ay sinibak sa kanyang puwesto ng Malakanyang dahil sa isyu ng lost of trust and confidence na hindi naman umano ipinaliwanag sa kanya kung ano ang ugat nito.

Nilinaw pa nito na ang kanyang paglantad ay hindi upang igiit ang pagbabalik niya sa trabaho kundi upang linisin ang kanyang pangalan at ang pangalan ng kanyang pamilya.

Samantala, sa text messages ng public information officer ni Gutierrez na si Derreck Carreon, sinabi nito na si Gadapan ay sinibak sa puwesto ng Malakanyang at walang kinalaman ang nasa loob ng ahensya.

Tungkol naman sa isyu ng pagsusugal ng asawa ni Gutierrez, sinabi ni Carreon na ito ay iniimbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI) at hihintayin na lang ang resulta nito bago maglabas ng komento.

CARLOS GADAPAN

DERRECK CARREON

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

GADAPAN

MALAKANYANG

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NILINAW

NITO

SI GADAPAN

UNDERSECRETARY GENERAL JOSE GUTIERREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with