^

Metro

Mag-asawa niratrat ng 3 rider

- Danilo Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines – Kapwa sugatan ang mag-asawa makaraang pagbabarilin ng tatlong salarin kabilang ang isang babae lulan ng isang motorsiklo, kamakalawa ng gabi sa Marikina City.

Nagtamo ng tama ng bala sa ulo at katawan ang biktimang si Richard Manuel, 41, isang driver, habang tinamaan naman ng bala sa hita ang misis nitong si Marites, 41, kapwa residente ng Brgy. Nangka, ng naturang lungsod.

Agad namang tumakas ang tatlong salarin sakay ng isang motorsiklong walang plaka. Inilarawan ang isa sa mga ito na nakasuot ng gray jacket, at hindi nagtanggal ng suot na helmet.

Sa inisyal na imbestigas­yon ng Marikina City Police, naganap ang insidente dakong alas-7 ng gabi sa may Bagong Silang St., sa nabanggit na barangay. Nabatid na nakikipag-inuman ang mister na si Richard sa mga kapitbahay nang dumating ang tatlong salarin.

Ayon sa anak ng biktima na si Michael, 17, sa kapatid niyang 13-anyos pa nagtanong ang isa sa mga salarin kung nasaan ang kanilang ama na itinuro naman ng kanyang utol. 

Dito nilapitan ng mga salarin si Richard at sunud-sunod na pinaputukan ng baril. Tinangka namang saklolohan ng misis na si Marites ang mister ngunit maging siya ay binaril ng mga salarin sa hita saka mabilis na tumakas sa hindi mabatid na direksyon.

Agad isinugod sa Amang Rodriguez Medical Center ang mag-asawang biktima kung saan nasa kritikal na kondisyon ang mister na si Richard.

Inaalam naman ng mga awtoridad ang motibo ng naturang tangkang pamamaslang.

vuukle comment

AMANG RODRIGUEZ MEDICAL CENTER

AYON

BAGONG SILANG ST.

BRGY

DITO

INAALAM

MARIKINA CITY

MARIKINA CITY POLICE

MARITES

RICHARD MANUEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with