^

Metro

'Mephentermine' kapalit ng shabu

- Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

MANILA, Philippines -  Nangangamba ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) hingil sa paggamit ng “mephentermine” bilang potensyal na kapalit ng methamphetamine hydrochloride o shabu.

 Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez Jr. ang mephentermine ay isang uri ng pampasigla at may kahalintulad na epekto at katangian sa shabu, pero mura ang halaga.

Gayunman, hindi ito kabilang sa listahan ng mapanganib na droga sa ilalim ng Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 Ang malaking doses ng mephentermine ay makaka-epekto sa central nervous system ng utak at nakapagpa­pataas ng blood pressure at sakit sa puso. Bagama’t ang sentro ng epekto ng droga ay mas mababa kaysa sa amphetamine.

Dagdag pa nito, ginagamit na rin umano ang mephentermine ng mga pushers sa kanilang iligal na transaksyon, para iligaw ang awtoridad na mapagkakamalang ang kanilang ibinebenta sa ginawang buy-bust operation ay shabu. Ito ay dahil na rin sa ang mephentermine ay kahawig ang kulay at uri ng shabu.

AYON

BAGAMA

DAGDAG

DIRECTOR GENERAL UNDERSECRETARY JOSE S

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUGS ACT

GAYUNMAN

GUTIERREZ JR.

REPUBLIC ACT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with