^

Metro

Bangkay lumutang sa ilog

- Ludy Bermudo - The Philippine Star

MANILA, Philippines -  Isang naaagnas na bangkay ng isang batang lalaki  ang namataang palutang-lutang sa Pasig River, sa bahagi ng Parola compound, Binondo, Maynila, kahapon ng umaga.

Inilarawan ni SPO2 Milbert Balinggan, ng Manila Police District-Homicide Section, ang bangkay na nasa edad na 10 hanggang 15, at tanging checkered na kulay pink na shorts lamang ang kasuotan.

Dakong alas-6:30 ng umaga nang isang  concerned citizen ang nakakita sa lumulutang na bangkay kaya ipinagbigay-alam sa Philippine Coast  Guard-Delpan Detachment, na siyang nag-ahon sa bangkay.

Ayon kay Balinggan, nabubulok na ang bangkay na posibleng may ilang araw nang patay.

Inilagak ito sa Funeraria Cruz para sa safekeeping at posibleng iawtopsiya para matukoy kung nalunod lamang ito habang naliligo o sadyang pinatay.

Nanawagan na rin si Sr. Insp. Joey  de Ocampo, hepe ng MPD-Homicide Section, sa mga nawawalan ng kaanak na tumutugma sa deskripsiyon ng nasabing bata.

vuukle comment

AYON

BALINGGAN

BINONDO

FUNERARIA CRUZ

GUARD-DELPAN DETACHMENT

HOMICIDE SECTION

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MILBERT BALINGGAN

PASIG RIVER

PHILIPPINE COAST

SR. INSP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with