^

Metro

Bebot inabandona ng bf sa ospital, namatay

- Ludy Bermudo - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Isasailalim sa awtopsiya ang bangkay ng isang hindi pa kilalang babae na inabandona ng umano’y boyfriend nito subalit namatay makalipas ang tatlong araw sa isang pagamutan sa Tondo, Maynila.

Ito’y matapos itawag ng Mary Johnston Hospital sa Manila Police District-Homicide Section, ang pagkamatay kamakalawa ng umaga ng isang pasyenteng babae na hindi tukoy ang pagkilanlan.

Inilarawan ang babae sa edad 25 hanggang 30, may taas na 5’2’’ hanggang 5’3’’, katamtaman ang pangangatawan. Hinahanting din ng mga awtoridad ang sinabing isang lalaki na pinaniniwalaang boyfriend ng babae na nagsugod sa huli sa Mary Johnston Hospital dahil sa walang tigil na pagsusuka.

Sa ulat ni SPO3 Benito Cabatbat, ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-10:05 ng umaga, kamakalawa nang bawian ng buhay ang biktima sa intensive care unit (ICU) ng nasabing pagamutan.

Ayon umano sa isang Dr. Danica Baltazar, isinugod sa pagamutan ang babae ng umano’y boyfriend ng biktima at agad namang nilapatan ng lunas sa ICU department subalit na-comatose umano ito sa loob ng tatlong araw bago binawian ng buhay.

Hindi na umano lumutang pa ang nasabing boyfriend o sinumang kaanak o kakilala kaya walang naitalang pagkakakilanlan sa babaeng pasyente.

Ang labi ng babae ay di­nala sa Cruz Funeral Morgue para maawtopsiya ang tunay nitong ikinamatay, habang patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan dito at ang boyfriend na nagdala sa pagamutan.

vuukle comment

AYON

BABAE

BENITO CABATBAT

CRUZ FUNERAL MORGUE

DR. DANICA BALTAZAR

HINAHANTING

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MARY JOHNSTON HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with