^

Metro

Tauhan ng DENR, timbog ng NBI

- Ludy Bermudo - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Dinakip ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang kawani ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) matapos tumanggap ng halagang P15-libo sa isang babaeng nag-aaplay para sa titulo ng lupa sa isinagawang entrapment operation sa Ermita, Maynila.

Nakapiit na sa NBI detention cell ang suspect na si Jovix Leonida Rivera, 33, Bureau of Lands special investigator ng DENR-National Ca­pital Region ( DENR-NCR), at residente ng Vicente St., Sampaloc, Maynila.

Ayon kay NBI-Anti Organized Crime Division (NBI-AOCD) chief, Rogelio Mamauag, dakong ala- 1:30 ng hapon nang bitbitin ang suspect habang hawak ang marked money na tinanggap nito sa complainant na si Marjorie Rubi Codangos, sa loob ng Starbucks Coffee Shop, sa Pedro Gil, Ermita.

Nag-ugat ang sumbong ni Codangos sa NBI, nang magtungo siya sa DENR-NCR para makakuha ng Residential Free Patent kung saan inalok umano siya ng suspect na magbayad na lamang ng P20,000 para makaiwas sa dami ng pro­sesong pagdaraanan.

Alam umano ni Codangos na libre lamang ang pagkuha ng nasabing titulo maliban sa P50 na babayaran sa application forms na kaniyang nabayaran na kaya sinagot niya ang suspect na wala siyang ganoon kalaking halaga.

Sa bandang huli, ibi­naba umano ng suspect ang offer na P15,000 na sa puntong iyon nakipagka­sundo siya at itinakda ang pag-aabot ng salapi sa Starbucks sa Ermita. Hindi akalain ng suspect na dumiretso ang complainant sa NBI at agad namang inila­tag ang entrapment operation.

Habang nagkakape ang biktima at suspect, nakaantabay naman ang mga ahente ng NBI kaya nasaksihan ang pag-aabot ng salapi sa suspect na pagkakataon naman upang siya ay arestuhin.

Nahaharap sa kasong extortion at paglabag sa   Republic Act 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) ang suspect na inihain na sa Manila Prosecutor.

vuukle comment

ANTI ORGANIZED CRIME DIVISION

ANTI-GRAFT AND CORRUPT PRACTICES ACT

BUREAU OF LANDS

CODANGOS

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

ERMITA

JOVIX LEONIDA RIVERA

MANILA PROSECUTOR

SUSPECT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with