Salvage victim natagpuan

MANILA, Philippines -  Isang bangkay ng hindi pa kilalang lalaki ang natagpuang nakasilid sa garbage bag at hinihinalang pinalo sa ulo ng matigas na bagay na ikinasawi nito bago itinapon sa Tondo, Maynila, kahapon ng umaga.

Inilarawan ito sa edad 35 hanggang 40, stripe na puti at itim na t-shirts at maong na pantalon ang kasuotan, medyas na stripes, miyembro umano ng Sigue-sigue Sputnik gang at may tattoo na larawan ng “Demonyo” sa kaliwang balikat. Alas- 8:00 ng umaga nang madiskubre ang bangkay ng lalaki na nasa itim na trash bag sa harap ng Hypermart sa tapat ng Smokey Mountain sa Road 10, Vitas, Tondo.

Show comments