^

Metro

Beybi ipinanganak sa LRT

- Ludy Bermudo, Danilo Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Kung may buhay na nalalagas, may bagong buhay rin naman na sumi­sibol sa Light Rail Transit Line 1 makaraang abutan ng panganganak ang isang buntis na babae sa Central Station sa Maynila kahapon ng hapon.

Inihayag ni Atty. Hernando Cabrera, tagapagsalita ng LRT Authority­, ang panganganak ng isang 37-anyos na ginang na si Anita Paz, ng Parañaque City.

Sa panayam ng PSN kay Cabrera, sinabi nito na sumakay si Paz mula sa EDSA-Taft Avenue Station at patungo sana ng Fabella Hospital upang magpa-confine na dahil sa paghilab na ng tiyan.

Ngunit dakong ala-1:10 ng hapon, pumutok na ang panubigan ni Paz kaya napilitan itong ibaba­ sa may Central Station sa may Arroceros, Maynila. Agad namang nires­pondehan ito ng duty nurse ng LRTA na si Abegail Batumbakal habang tumulong rin para makapanganak si Paz ang kapwa pasahero na dating caregiver na si Amelita Clemenia. Sinabi ni Cabrera na naging normal­ ang panganganak ni Paz ng isang malusog na sanggol na lalaki. Hu­mingi pa ng suhestiyon ng posibleng pangalan si Cabrera sa Twitter kung saan ilan ang nagpanukala ng pangalang “Lerty, Elarty, Centris, Riley, Loreto o Loreta ngunit sa huli, ang inireserbang pangalan ng ina na “Jeb Paz” ang ipinangalan sa sanggol.

Naka-confine naman ngayon sa Fabella Hospital ang mag-inang Paz na nasa maayos nang kalagayan.

Matatandaan na kamakailan lamang sa EDSA-Central Station tumalon at nasagaaan ng tren nitong Agosto 30 ang isang babae na sinasabing may iniindang karam­daman. Sa naturang istasyon rin sumakay ang nanganak na ina na si Anita.

ABEGAIL BATUMBAKAL

AMELITA CLEMENIA

ANITA PAZ

CABRERA

CENTRAL STATION

FABELLA HOSPITAL

HERNANDO CABRERA

JEB PAZ

LIGHT RAIL TRANSIT LINE

PAZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with