MANILA, Philippines - Patay ang isang pedicab driver matapos ma-sandwich sa pagitan ng isang jeep at van sa Malabon City kamakalawa.
Namatay habang ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng pinsala sa ulo at katawan ang biktimang si Alejandro Lascano, 48, ng Lascano St., Brgy. Tugatog ng nabanggit na lungsod.
Nasa custody naman ng pulisya ang suspek na si Efren Gonzales, ng University Avenue, Brgy. Potrero ng nabanggit na lungsod.
Base sa ulat ng Malabon City Police Traffic Enforcement, dakong alas-2:30 ng hapon ng maganap ang insidente, dala ng biktima ang kanyang pedicab at pagsapit sa M. H. Del Pilar St., ay sinuyod ito nang nawalang prenong jeep na minamaneho ng suspek.
Dahil sa lakas ng pagkakasalpok ay bumangga pa ang biktima sa sinusundang Starex Van hanggang sa ma-sandwich sa pagitan ng dalawang sasakyan. (