^

Metro

Chairman na huli sa video na nagsa-shabu, kinasuhan sa Ombudsman

- Doris Franche-Borja - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Sinampahan na ng kriminal at administratibo sa tanggapan ng Ombudsman ang isang barangay chairman na nakuhanan ng video sa aktong gumagamit ng shabu sa loob mismo ng barangay hall sa Tondo, Maynila.

Si Chairman Augusto ‘Jojo’ Salangsang, ng Brgy 261, Zone 24, District II ay kinasuhan ng paglabag sa Sections 12, 13, 14 at 15 ng RA 9165, Gross Misconduct, Dereliction of Official Duty at Conduct Preju­dicial to the Best Interest of the Service.

Ginamit na basehan ng Manila Anti-Drug Abuse Council (MADAC) ang expose ng programang XXX ng ABC-CBN kung saan nakuhaan ng video si Salangsang na humihithit ng shabu, kasama ang lady striker nito na si Jocelyn Geslaya sa loob mismo ng barangay hall. Bukod dito, ilang indibidwal din na da­ting nakasama ni Salangsang sa paggamit ng shabu ang nagbigay ng salaysay hinggil sa pagkaka­sangkot ng nasabing punong barangay sa ilegal na droga.

Dahil sa pagkakalantad ng nasabing video, sinabi ng MADAC na hindi umano ‘morally fit’ si Salangsang na pamunuan pa ang Brgy 261, dahil labag sa umiiral na batas at polisiya ang paggamit ng ilegal na droga.

Hiniling din ng MADAC sa Ombudsman na suspendihin si Salangsang habang iniimbestigahan ito upang maprotektahan ang mga testigo at ebidensya, at maging ang mga constituents ng Brgy 261.

Gayunman, matapos ang ilang buwan ay nakuhaan ito ng video na gumagamit ng shabu, at nang siya ay imbitahan sa presinto ay tumanggi na sumalang sa drug test.

BEST INTEREST OF THE SERVICE

BRGY

BUKOD

CONDUCT PREJU

DERELICTION OF OFFICIAL DUTY

DRUG ABUSE COUNCIL

GROSS MISCONDUCT

JOCELYN GESLAYA

SALANGSANG

SI CHAIRMAN AUGUSTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with