MANILA, Philippines - Isang hindi pa nakikilalang lalaki ang sinaksak hanggang sa mapatay ng kanyang mga kainuman kahapon ng madaling-araw sa Sta. Cruz, Maynila.
Inilarawan ang biktima na may taas na 5’3’’, katamtaman ang pangangatawan at nakasuot ng kulay brown na camouflage pants.
Ayon sa pulisya, ala-1 ng madaling-araw nang matagpuan ang biktima sa kahabaan ng Rizal Ave., kanto ng Yuseco St., Sta. Cruz. Sa pahayag ng saksing si Alberto Berdum, binabaybay niya ang Rizal Avenue patungong Dangwa, Sampaloc nang makita ang biktima na nakahandusay sa kalye at duguan.
Sa imbestigasyon ng pulisya, unang nakita ang biktima at mga suspect na nag-iinuman hanggang sa nakita na lamang na naka-handusay ang biktima habang narekober naman ang isang kitchen knife malapit sa bangkay ng biktima na pinaniniwalaang ginamit sa pamamaslang.