^

Metro

13 sugatan sa pagrampa ng jeepney sa center island

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Labintatlo-katao ang naiulat na nasugatan makaraang humampas sa center island ang pampasaherong jeepney sa kahabaan ng Commonwelth Avenue sa Quezon City kahapon ng umaga.

Ayon kay Quezon City Police Distrit-Traffic Sector 5 Investigator Crisanto Gragasin, ang mga biktima na pawang nagtamo ng mga minor injuries ay agad na naisugod sa East Avenue Medical Center.

Hawak naman ng pulisya ang driver ng jeepney na si Noel Duka, 47, nakatira sa Blk 5 Poinsetia St. Brgy. Payatas A sa nasabing lungsod.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente sa harap ng Commonwealth Market kung saan nawalan ng preno ang jeepney (TXB847) na may rutang Lagro-Welcome Rotonda.

Nabatid na ibangga na lamang ng driver sa center island kaysa makabangga ng iba pang motorista at commuters.

Nahaharap naman ang driver sa kasong reckless imprudence resulting to multiple physical injuries. (Ricky Tulipat)

COMMONWEALTH MARKET

COMMONWELTH AVENUE

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

INVESTIGATOR CRISANTO GRAGASIN

LAGRO-WELCOME ROTONDA

NOEL DUKA

PAYATAS A

POINSETIA ST. BRGY

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRIT-TRAFFIC SECTOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with