^

Metro

2 pinatay sa pag-iskor ng shabu

- Ludy Bermudo - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Napaaga ang salubong ni kamatayan sa dalawang kabataan matapos itong pagbabarilin ng di-pa kilalang lalaki sa madilim na bahagi ng Baseco Compound sa Port Area, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat ni PO3 Rodel Benitez ng Manila Police District-Homicide Section,  dead-on-the-spot ang 15-anyos na si Genard Borden habang namatay naman sa Gat Andres Memorial Medical Center si Jeffrey Hopio, 20, kapwa nakatira sa Block 1, Gasangan sa Baseco Compound, Port Area.

Sa imbestigas­yon, dakong alas-12:10 ng madaling araw nang magtu­ngo ang dalawa sa madilim na bahagi ng  Gasangan na sinasabing iskoran ng shabu.

Papalabas na ang dalawa sa nabanggit na compound nang umalingawngaw ang sunud-sunod na putok ng baril kung saan duguang bumu­lagta ang dalawa.

Sumaklolo naman ang lola  ni Borden na si Ronalie Borden subalit wala ng buhay ang kanyang apo habang si Hopio naman ay isinugod ng mga kaanak sa ospital ngunit namatay din.

Narekober sa bulsa ni Hopio ang maliit na plastic sachet ng shabu na sinasabing kabibili pa lamang habang patuloy naman ang imbestigasyon.

vuukle comment

BASECO COMPOUND

GASANGAN

GAT ANDRES MEMORIAL MEDICAL CENTER

GENARD BORDEN

HOPIO

JEFFREY HOPIO

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

PORT AREA

RODEL BENITEZ

RONALIE BORDEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with