Lalaki lumutang sa ilog
MANILA, Philippines - Isang hindi pa nakikilalang bangkay ng lalaki na pinaniniwalaang nalunod ang natagpuang palutang-lutang sa Pasig River sa bahagi ng Intramuros, Maynila kahapon ng umaga.
Inilarawan ni SPO3 Benito Cabatbat ang lalaki sa edad na 25 hanggang 35, maiksi ang buhok, matingkad na asul ang suot na brief at walang pang-itaas, may tattoo sa magkabilang balikat.
Bagamat may mga tattoo tulad ng mga natatagpuang biktima ng salvaging, wala namang indikasyong ito ay pinahirapan o pinatay kaya ipinalalagay na nalunod ito sa nasabing ilog na nadiskubreng patay dakong alas 8:30 ng umaga, kahapon sa likod ng Naval Rescue Command sa New Maestranza at New Mexico St., sa Intramuros.
- Latest
- Trending