Suspect sa pagpaslang sa 2 pulis-Caloocan, timbog
MANILA, Philippines - Arestado na ang isa sa tatlong suspek na pumatay sa dalawang pulis sa Caloocan City matapos inguso ng tatay ng una ang pinagtataguan nito sa Quezon City kamakalawa.
Nakilala ang nadakip na si Romulo Auditor, 38, ng Batasan Hills, Commonwealth, Quezon City, samantala hanggang ngayon ay pinaghahanap pa sina alyas Ernest Castillo na dating pulis Quezon City at alyas Don-don.
Ang tatlo ay sinasabing responsable sa pagpatay sa mga biktimang sina SPO3 Tom Perez at SPO1 Tirso Roncales, kapwa nakatalaga sa Caloocan City Police noong Setyembre 4, alas-11:30 ng umaga sa Balwarte Phase 8, Bagong Silang ng nabanggit na lungsod.
Sa ulat ng Caloocan City Police, dakong alas-11:00 ng umaga nang ituro kung saan sa Quezon City nagtatago si Auditor ng kanyang ama na si Pablo, na naging dahilan upang tugusin ng mga pulis hanggang sa nadakip ito.
- Latest
- Trending


















