Killer ng Makati City engineer, tugisin - Binay
MANILA, Philippines - Ipinag-utos kahapon ni Vice-president Jejomar Binay sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na tugisin ang mga taong responsable sa pagpatay kay Makati City Engineer Nelson Morales upang mabigyan ng hustisya ang sinapit nito.
Nagpahayag ng pakikiramay si Binay sa pagpanaw ni Engineer Morales na nanilbihan bilang city engineer sa Makati City noong siya ay alkalde sa nasabing lungsod at chairman ng UNA sa Albay.
Sinabi ni Binay na kamakailan ay nilapitan siya ni Morales at humihingi ng payo dahil nais nitong tumakbo bilang alkalde sa kanyang hometown sa Malinao, Albay.
Samantala mariin namang kinondena ng UNA ang pagpatay kay Morales, kung saan pinatay ito ng tatlong kalalakihan sa bayan ng Albay kamakalawa makaraang mag-ninong sa isang kasal.
Nabatid naman kay UNA Secretary General, Navotas City Rep. Toby Tiangco, na nakakaalarma ang naturang insidente bagama’t kumpiyansa rin umano sila na mapaparusahan ang mga taong may kagagawan ng krimen.
- Latest
- Trending

















