^

Metro

Gang war: 3 'Sputnik' niratrat, patay

- , Angie dela Cruz - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Tatlong lalaking miyembro ng Sputnik gang ang na­sawi, habang sugatan naman­ ang isang 8-anyos­ na batang lalaki na ti­namaan ng ligaw na bala makaraang pagbabarilin ang grupo ng una ng ka­labang gang sa Malabon City, kamakalawa.

Dead-on-the-spot sanhi ng mga tama ng bala sa katawan ang biktimang si Dario Orbaje, 26, ng Dulong Acero St., Brgy. Tugatog ng nabanggit na lungsod, namatay naman habang ginagamot sa Tondo­ Me­dical Center sanhi ng tama ng bala sa ulo at katawan sina Futoshi Fariñas­, 21; at Mark Anthony Laurente, 28.       

Samantala, tinamaan naman ng ligaw na bala sa hita ang 8-anyos na si JhayV Ramos.        

Sinasabing ang mga tumakas na suspect ay miyembro ng ‘Avatar gang’ na kasalukuyan ngayong tinutugis ng pulisya.

Sa ulat ng Malabon City Police, dakong alas-3:15 ng hapon nang maganap ang insidente habang nagla­lakad ang mga biktima sa Dulong Acero St., Brgy. Tugatog nang sumulpot ang apat na miyembro ng ‘Avatar gang’ at walang sabi-sabing­ pinaputukan ang grupo ng mga nasawi.        

Nahagip naman ng ligaw na bala si Ramos na nasa malapit lang sa pinang­yarihan ng krimen.

Ayon pa sa pulisya, posibleng away ng mga gang ang motibo sa na­ganap na krimen.

Noon lamang isang linggo, binanggit pa sa imbestigasyon na apat na miyembro naman ng ‘Bulabog Gang’ ang na­patay din ng grupo ng mga suspect na posibleng nais maghari sa lugar.

BRGY

BULABOG GANG

DARIO ORBAJE

DULONG ACERO ST.

FUTOSHI FARI

MALABON CITY

MALABON CITY POLICE

MARK ANTHONY LAURENTE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with