^

Metro

Holdaper tigok uli sa escort

- Ludy Bermudo - The Philippine Star

MANILA, Philippines -  Hindi na naisalang sa inquest proceedings ang isang suspect sa panghoholdap nang mabaril at mapatay ng kaniyang escort dahil sa pang-aagaw ng baril sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang suspect na si Roel Comedia, 27, kuliglig driver, ng C.P. Garcia St., Tondo, Maynila sanhi ng tama ng bala sa katawan.

Dakong alas-9:50 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng marked vehicle ng MPD-Station 2 , habang binabaybay ang kanto ng Road 10 at Moriones St., Tondo.

Nabatid na ang suspect ay inaresto sa reklamong pang­hoholdap sa isang Mabeth Uy noong Setyembre 5, kaya ibiniyahe siya para sampahan ng reklamo sa city prosecutor nang habang daan patungo sa city hall ay nagulat ang nagmamanehong si PO3 Nelson­ delos Reyes kasama ang mga police escorts sa MPD-Station 2 na sina PO1 James Paul Cruz at PO2 Rommel Adrias, sa loob ng marked vehicle (SHU-814) ng agawan ng baril ang huli ng suspect.

Tinangkang iputok ng suspect ang naagaw na baril kay Cruz subalit hindi ito pumutok dahilan upang gumanti ang mga pulis at tamaan ito sa ulo at dibdib.

Bukod sa nasabing kaso, sangkot din umano ang nasawi sa panghoholdap sa American national na si Mark Julius Lero at asawa nitong si Khristine at nagresulta sa pagkamatay ng isang security guard na si Nemesio Garsula.

vuukle comment

GARCIA ST.

GAT ANDRES BONIFACIO MEMORIAL MEDICAL CENTER

JAMES PAUL CRUZ

MABETH UY

MARK JULIUS LERO

MAYNILA

MORIONES ST.

NEMESIO GARSULA

ROEL COMEDIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with