Janelle Manahan,nagpasaklolo sa SC
MANILA, Philippines - Nakatakdang umapela ngayon sa Department of Justice (DOJ) ang kampo ni Janelle Manahan upang harangin ang inilabas na resolusyon ng Parañaque City Prosecutor’s Office na nagpapawalang-sala kina Gail Bautista at mister na si Hiro Furuyama sa pagpaslang sa kasintahang si Ramgen Revilla.
Sinabi ni Atty. Argee Guevarra, isa sa mga abogado ni Manahan, hinihintay pa nila ang opisyal na kopya ng resolusyon mula sa piskalya dahil sa wala pa silang natatangap mula nang magpalabas ng resolusyon si Parañaque State Prosecutor Lamberto Fabros.
Naniniwala sila na mababaligtad umano ng Korte Suprema ang desisyon ng piskalya dahil sa malakas naman ang kanilang ebidensya na magdidiin sa mag-asawa makaraang ituro nina Michael Jay Nartea at Fracis Tolisora na siyang kumontak sa kanila para ipapaslang si Ramgen.
Ibinasura ng piskalya ang kaso laban kina Gail at Hiro kamakalawa na isinampa ni Janelle matapos ang ginawang pagpatay sa kanyang nobyo at ikinasugat nito na naganap sa BF Homes ng nasabing lungsod noong Oktubre 28, 2011.
Sa anim na pahinang resolusyon ni State Prosecutor Lamberto Fabros ng Parañaque Prosecutor’s Office, wala umanong sapat na ebidensiya na magtuturo sa mag-asawang Furuyama upang isangkot sila sa kasong pagpatay kay Ramgen at ikinasugat ni Manahan.
Nakasaad pa sa resolusyon na sa opinyon ng taga-usig, wala silang makitang dahilan upang isangkot sa nangyaring krimen ang mag-asawa. (
- Latest
- Trending