^

Metro

Kotongan Sa Doj Chief of staff ng mataas na opisyal, timbog ng NBI

- Ludy Bermudo - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Inaresto ng mga tauhan ng  National Bureau of Investi­gation (NBI) ang isang diumano’y chief of staff ng isang mataas na opisyal ng  Department of Justice (DOJ) dahil sa pangi­ngikil ng P250,000 sa isang babae na may kinakaharap na kasong adultery.

Nabatid sa ulat ni NBI spokesman Cecilio Zamora na ang suspect ay  kinilalang si Mutya Santiago, ng Gui­guinto, Bu­lacan, na sinampahan na ng reklamo sa Manila Prosecutor’s Office ng robbery extortion, bagamat pinapayagan siyang maglagak ng piyansang P100,000 para sa pansaman­talang  kalayaan. Siya ay sinasabing chief of staff ni  DOJ  Senior  Deputy State Prosecutor Severino Gaña.

Samantala, isa pang alyas  “Louie” ang umano’y kasabwat ni Santiago sa pangongotong.

Naganap ang pag-aresto kamakailan sa loob mismo ng DOJ building kasunod ng inihaing reklamo ng dating beauty queen at international ramp model Nuriya Abeja na may nakabinbing kaso sa DOJ noon pang nakalipas na taon.

Sa reklamo ng beauty queen, humihingi ng nasabing halaga si Santiago kapalit ng pabor na desisyon sa kasong adultery na inihain ng kanyang asawa sa Makati City Pro­secutor’s Office noong 2011.

Nang i-dismiss  ng Makati Prosecutor ang reklamo laban sa kanya ay inapela naman ng mister sa DOJ sa isang petition for review.

Sinabi ng complainant na nag-follow-up siya sa kaso nitong­ nakaraang Hulyo sa DOJ sa giit na tinutulugan lamang umano ang kanyang kaso doon.

Sagot umano ni Santiago, may draft resolution na sa kaso na kumakatig sa desisyon na maibasura ang reklamo subalit dapat umano siyang magbigay ng naturang halaga dahil maaari pa umanong mabaligtad ang draft..

Una pa umanong hiniling ni Santiago na magbigay siya ng P300,000  na naibaba sa P250,000.

Dahilan ito upang humingi siya ng tulong sa NBI, kasunod ng paglalatag ng entrapment laban  kay Santiago.

Nakipagkita umano sa complainant si Santiago sa mismong tanggapan ni Gana nitong dala ang envelope na naglalaman ng marked money.

“Upon giving the money, the victim gave the NBI the signal to come inside Gana’s office using a cellphone,” ani Zamora.

CECILIO ZAMORA

DEPARTMENT OF JUSTICE

DEPUTY STATE PROSECUTOR SEVERINO GA

GANA

MAKATI CITY PRO

MAKATI PROSECUTOR

MANILA PROSECUTOR

MUTYA SANTIAGO

NATIONAL BUREAU OF INVESTI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with