^

Metro

Parak itinumba sa harap ng live-in partner

- Ludy Bermudo - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Isang bagitong pulis ang itinumba ng riding-in-tandem sa harap mismo ng kanyang live-in partner sa loob ng isang internet shop, kung saan na­damay pang matamaan ng ligaw na bala ang isang estudyante na gumagawa lamang ng school project sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot dahil sa tinamong tatlong tama ng bala sa ulo at katawan ang biktimang si PO1 Anthony Frias, 25, kasapi ng Batch 2010 ng “MASIDLAK” Bravo Company at nakatalaga sa Regional Public Safety Battalion (RPSB) ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) at naninirahan sa San Jose St., Magsaysay Village, Tondo, Maynila.

Sugatan naman sa kamay ang estudyanteng si Kristille Calilung, 19, na tinamaan ng ligaw na bala.

Inilarawan naman ang nakatakas na salarin sa edad na 30-35, may taas na 5’5’’,  katamtaman ang pangangatawan, kayumanggi, nakasuot ng asul na t-shirt, gray bull cup, maong pants, rubber shoes at ang driver ng get-away motorcycle na kasabwat niya.

Sa ulat ni SPO1 Gerar­do Rivera ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-10:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng CHOI’S Computer Shop na mata­tagpuan sa Capulong Highway, Tondo.

Nabatid na habang nagla­laro ng video game ang biktima sa nasabing internet shop, katabi ang kanyang live-in partner na si Melissa Mateo nang dumating ang gunman at nilapitan ang biktima. Walang sabi-sabi itong pinaputukan bago tumakas ang suspect sakay sa nag-aabang na motor­siklo sa direksiyon ng Road 10.

Nakita na lamang na du­guan din sa kamay si Cali­lung na katabi ng biktima sa computer. Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya kung ano ang motibo sa pagpatay.

vuukle comment

ANTHONY FRIAS

BRAVO COMPANY

CAPULONG HIGHWAY

KRISTILLE CALILUNG

MAGSAYSAY VILLAGE

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

MELISSA MATEO

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with