Kuliglig driver na holdaper, tigok sa parak
MANILA, Philippines – Patay nang manlaban sa mga pulis ang isang kulilig driver na itinurong nangholdap sa pasaherong estudyante sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.
Hindi pa tukoy ang pagkikilanlan ng napatay na suspect na inilarawan lamang sa edad 25-30, may taas 5’4’’-5’6’’, nakasuot ng kulay berdeng t-shirt, maong na short pants, tadtad ng tattoo sa katawan na indikasyong miyembro rin ng Commando gang.
Sa ulat ni SPO2 Glenzor Vallejo ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-11:15 ng gabi nang maganap ang insidente sa may panulukan ng Masangkay at Benavidez Sts., Tondo. Ayon sa estudyanteng si “Zhane”, 25, ng Manila Central University, nagtaka siya kung bakit sa Benavidez umano idinaan ang kuliglig. Nang tanungin ang suspect ay sinabi nito na ‘shortcut’ umano ang kanilang dinadaanan.
Hindi na nagtagal ay biglang nagdeklara ng holdap at kinuha ang kulay pink niyang shoulder bag kabilang ang cellphone at wallet at inutusan siyang bumaba. Nang mamataan ng biktima ang mga pulis na tauhan ni P/Supt.Ernesto Tendero, ng MPD-Station 2 ay agad itinuro ang tumatakas na suspect.
Hinabol at sinita ang suspect subalit nagpaputok umano ito sa direksiyon ng mga pulis. Narekober sa suspect ang bag ng biktima na naglalaman ng mga IDs, P200 at Blackberry phone.
- Latest
- Trending