^

Metro

83-anyos na ina, pinatay sa bugbog ng anak

- Doris Franche-Borja - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Pinagbubugbog hanggang sa mapatay ang 83-anyos­ ina ng kanyang sariling anak na sinasabing may diprensiya sa pag-iisip sa Tondo, Maynila kahapon ng umaga.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Crisanta Sartena ng Parola Compound, Tondo, Maynila dahil sa inabot na bugbog sa sarili nitong anak na si Fidel Sarte, 47, na kasalukuyang nakakulong sa detention cell ng Manila Police District (MPD)-Station 2.

Sa report ni Supt. Ernesto Tendero Jr., ng MPD-Station 2, dakong alas-11 ng umaga nang naganap ang pambubugbog sa loob ng bahay ng mag-ina.

Ayon kay Tendero, may diprensiya umano sa pag-iisip ang suspect na sinumpong hanggang sa walang habas na binugbog ang ina. Dahil sa katandaan hindi naman nagawa ng biktima na manlaban.

Bagamat may sakit sa pag-iisip ang suspect, sa­sampahan pa rin ito ng kasong parricide.

AYON

BAGAMAT

CRISANTA SARTENA

DAHIL

ERNESTO TENDERO JR.

FIDEL SARTE

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

PAROLA COMPOUND

PINAGBUBUGBOG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with