^

Metro

Pampasabog nadiskubre sa motel sa Maynila

- Doris Franche-Borja - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nadiskubre ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang iba’t ibang gamit sa pampasabog kahapon ng umaga sa isang pension house sa Ermita, Maynila.

Ayon kay MPD Explo­sive and Ordnance division chief, Inspector Arnold Santos, kabilang sa mga narekober ng pulisya ay 83 pirasong basyo ng bala ng M16, 43 pirasong basyo ng bala ng 12 gauge shot gun, sinirang Nokia cellphone, blasting caps, dalawang tubo na may takip na at takip para sa tatlong  tubo, mga ba­terya, wires at timer. 

Dahil dito, umalerto ang buong puwersa ng kapulisan sa Maynila upang agad na mapigilan ang sinumang nagbabalak maghasik ng gulo.

Sa imbestigasyon ng pulisya, isang Jonathan Jose ang nag-check-in sa Room 108 ng Santos Pension House sa 1540 kanto ng Pedro Gil at A. Mabini Sts. sa Ermita bandang alas-5:20 ng umaga­ kamakalawa. Pasado alas-4 ng madaling-araw nang mag-check out si Jose.

Bandang alas-8 ng umaga aniya nang makita ang mga gamit pampasabog habang nililinis ng mga hotel boys ang kuwarto ng suspect at napuna ang isang supot o plastic sa gilid ng sahig at nang kanilang buklatin ay natuklasan ang mga naturang gamit sa paggawa ng bomba.

Inilarawan ang suspect na may taas na 5’5’’, balingkinitan ang panga­ngatawan at semi kalbo.

Hinala ng pulisya, ma­aaring may nabuo ng improvise explosive device ang suspect ngunit hindi nila tiyak kung saan gagamitin.

AYON

BANDANG

ERMITA

INSPECTOR ARNOLD SANTOS

JONATHAN JOSE

MABINI STS

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

PEDRO GIL

SANTOS PENSION HOUSE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with