^

Metro

2 parak patay sa tandem

- Angie dela Cruz, - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Patay ang dalawang pulis matapos na pagbabarilin ng riding in tandem na kanilang sinita kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Kinilala ni Sr. Supt. Jude Santos, hepe ng Caloocan City Police ang mga biktima na sina  SPO1 Tirzo Roncalez at SPO3 Tom Perez,  kapwa nakatalaga sa Caloocan City Police, at parehong dead-on-the- spot sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng  katawan.

Samantala, nagsa­sagawa na ng follow-up operation ang mga kagawad ng Caloocan City Police laban sa mga suspek na nakilala lamang sa alyas na “Dondon” at “Igme”.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-10:30 ng umaga sa Phase 8, Bagong Silang ng nabanggit na siyudad habang nagpapatrulya ang mga biktima nang mamataan ang mga suspek na magkaangkas sa   motorsiklo at napansin na may dalang baril.

Sinita umano ng mga pulis ang mga suspect subalit pinaharurot ng mga ito ang motorsiklo, dahilan upang habulin sila ng mga pulis.

 Pumasok ang mga suspek sa isang eskinita, na kanilang balwarte at dito sumunod ang mga pulis. Ilang sandali pa ay narinig na ang sunud-sunod na putok ng baril hanggang sa makitang nakabulagta na ang dalawang parak.

Nagsasagawa na nang follow-up operation ang mga pulis upang matunton ang mga pumatay sa kanilang kabaro.

vuukle comment

BAGONG SILANG

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

DONDON

JUDE SANTOS

SR. SUPT

TIRZO RONCALEZ

TOM PEREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with