^

Metro

Matapos magpasagasa sa tren ang isang babae mga linya ng MRT at LRT pababasbasan

- Danilo Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines -  Plano rin ngayon ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na pabasbasan ang mga linya ng Metro Rail Transit 3, Light Rail Transit Line 1 at Line 2 makaraan ang malagim na pagpapatiwakal ng isang babae nang tumalon at mabangga ng tren kamakailan.

Bukod sa mga riles at istasyon, pababasbasan din ng LRTA ang mga tren o ang mga bagon para matanggal ang posibleng negatibong enerhiya na dulot ng mga pagpapatiwakal.

Ayon kay LRTA Spokesperson Atty. Hernan Cabrera, tila nagiging takbuhan ng mga taong desperado na sa buhay ang magpatiwakal sa kahabaan ng tren tulad ng sinapit ng matandang babae na si Lucy Aroma sa LRT EDSA Station.

Napag-alamang may problema at naging despe­rado ang matanda kaya ito tumalon at bumangga sa rumaragasang tren.

Kinasuhan naman ang LRT 1 train operator na si Anthony Gunay ng reckless imprudence resulting to homicide dahil hindi nito napigilan ang takbo ng tren. Paliwanag naman ni Gunay, huli na ang lahat bagamat pinigil talaga nito ang pagtakbo ng tren na ikinamatay ng biktima.

Hindi man suspendido ay napagdesisyunan ng LRTA na huwag munang papasukin si Gunay dahil sa trauma buhat ng pangyayari. Nanindigan din ang LRTA na ipagtatanggol at susuportahan nila ang operator habang tinuligsa ang Pasay City Police sa pagsa­sampa ng kaso sa tauhan nila bagama’t aminado rin ang imbestigador na humawak ng insidente na sadyang nagpakamatay ang biktima.

Samantala, isang tren ng LRT Line 2 ang tumirik malapit sa V. Mapa Station makaraang mabigong makakuha ng kuryente ang “pantograph” sa kawad na nagbibigay ng ener­hiya sa tren. Agad namang nahila ito ng mga ta­uhan ng LRTA at naibalik ang operasyon.

ANTHONY GUNAY

GUNAY

HERNAN CABRERA

LIGHT RAIL TRANSIT AUTHORITY

LIGHT RAIL TRANSIT LINE

LUCY AROMA

MAPA STATION

METRO RAIL TRANSIT

TREN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with