^

Metro

Ex- Marine timbog sa carnap

- Danilo Garcia - The Philippine Star

 Manila, Philippines - Arestado ang isang dating miyembro ng Philippine Marines nang sumemplang matapos na tangayin umano ang isang motorsiklo, kamakalawa ng hapon sa Taguig City.

Nakilala ang suspect na si ex-Pfc. Hybert Jones Bais, 26, at residente ng Katipunan Village, Brgy. Western Bicutan.

Sa ulat ng Taguig Police, unang tinangay ng suspect ang isang motorsiklo na may plakang 8247-TR habang nakaparada ito sa harap ng bahay ng may-aring si Angelo Vergara sa Block 85 Lot 16 Phase 5 AFPOVAL, Taguig.

Sa pagmamadaling makatakas, nawalan ng kontrol at sumemplang sa may Bayani Road si Bais dakong alas-4:20 ng hapon. Tiyempo namang napadaan sa lugar si PO1 Ashley Gamulo, ng Southern Police District (SPD) kung saan isinumbong ng isang street sweeper ang pangyayari. 

Naghinala si Gamulo na may ginawang mali si Bais nang nagmamadaling sumakay ito sa isang pampasaherong jeep niyang hinabol na nagresulta sa pagkakadakip sa suspect.

Nakaditine ngayon sa SPD detention cell si Bais na nahaharap ngayon sa kasong carnapping. 

vuukle comment

ANGELO VERGARA

ARESTADO

ASHLEY GAMULO

BAYANI ROAD

HYBERT JONES BAIS

KATIPUNAN VILLAGE

PHILIPPINE MARINES

SOUTHERN POLICE DISTRICT

TAGUIG CITY

TAGUIG POLICE

WESTERN BICUTAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with