^

Metro

Pulis lasog sa trak

- Danilo Garcia - The Philippine Star

 Manila, Philippines - Agad na nasawi ang isang pulis-Caloocan ma­karaang mabundol at makaladkad ng isang trailer truck habang lulan ng isang motorsiklo, kahapon ng umaga sa naturang lungsod.

Nakilala ang nasawi na si SPO1 Enrique Montemayor, 47, ng PCP- 3 ng Caloocan City Police, at naninirahan sa no. 1721 Perfecto St., Dagupan, Tondo, Maynila habang tumakas naman ang driver ng Weller Trailer Truck (TDQ-990) na nakilalang si Helario Pandayhag.

Sa ulat ng Caloocan City Police, naganap ang insidente dakong alas-9:15 ng umaga sa panulukan ng Rizal Avenue at 4th Avenue sa naturang lungsod. Ga­ling sa kanyang bahay ang biktima at papasok na sa trabaho lulan ng kanyang motorsiklo nang mabundol ng trak habang papatawid ng kalsada.

Nabatid na hindi agad nakapagpreno ang driver ng trak kaya nakaladkad pa si Montemayor at ang motorsiklo nito ng ilang me­tro.  Nagulungan din ang ulo ng biktima na nagresulta ng agad nitong pagkasawi.

Patuloy naman ngayon sa imbestigasyon ang mga kasamahang pulis-Caloocan ng biktima kung saan nakikipag-ugnayan sa Drive and Carry Mo­vers Inc., ang may-ari ng trailer truck, upang mabatid kung saan posibleng nagtatago ang suspect. 

vuukle comment

CALOOCAN

CALOOCAN CITY POLICE

DAGUPAN

DRIVE AND CARRY MO

ENRIQUE MONTEMAYOR

HELARIO PANDAYHAG

MAYNILA

PERFECTO ST.

RIZAL AVENUE

WELLER TRAILER TRUCK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with