^

Metro

Parking boy kritikal sa ligaw na bala

- Angie dela Cruz, - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Isang parking boy ang nasa kritikal na kondisyon nang tamaan ng ligaw na bala kamakalawa sa Caloocan City.

Ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng tama ng bala sa batok ang biktimang si Ronnie Cullera, 21, ng Sitio Uno, Sangandaan ng nabanggit na lungsod.

Batay sa report ng pulisya, naganap ang insi­dente alas-5:30 ng hapon sa kahabaan ng 10th Avenue ng nabanggit na lungsod habang nakatayo ang biktima nang bigla na lamang itong bumagsak.

Nang tingnan ng mga saksi ay nakitang duguan ang biktima na naging dahilan upang dalhin ito sa nabanggit na ospital.

Hindi naman malaman kung sino ang posibleng nagpakawala o nagpaputok ng baril sa lugar.

vuukle comment

BATAY

CALOOCAN CITY

GINAGAMOT

ISANG

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

NABANGGIT

NANG

RONNIE CULLERA

SANGANDAAN

SITIO UNO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with